Sinophobia Inc: Ang Pag-unawa sa Komplex Pang-Industrial na Kontra sa Tsina
Translated by: O.C.W.
Gamit ang pondo ng estado at ng mga tumataguyod sa industriyang pansandata, ang isang maliit at makapangyarihang think tank ang nagtatakda ng mga tuntunin ng Bagong Cold War laban sa Tsina, at itinutulak nito ang isang alyansa na pinamumunuan ng Estados Unidos patungo sa isang mapaminsalang hidwaan na pinapasan nating lahat.
Pasukin natin ang mga gawaing panloob ng Sinophobia Inc. upang matuto kung paano mapabubulaanan ang makinang pang-media nito.
Ang pakikipag-alyansa ng Estados Unidos (U.S.) ay sumusulong tungo sa hidwaan laban sa Tsina. Sa mga nagdaang buwan, ang gobyerno ng Estados Unidos ay gumawa ng mga panibagong hakbang upang wasakin ang mga kaugnayan nito sa China: ang pagpaparusa sa mga opisyal ng Partido Komunista ng Tsina, ang pagbabawal sa mga kumpanyang pang-teknolohiyag Tsino tulad ng TikTok at Huawei, ang pagsaliksik at pagsubaybay sa mga estudyante at siyentipikong Tsino, at ang pilit na pagsara ng konsuladong Tsino sa Houston.
Tinagurian ito ng Kalihim ng Estado na si Mike Pompeo bilang katapusan ng “bulag na pakikipag-ugnayan” sa isang estadong Tsina na tinuturing niyang isang banta sa “mundong malaya.” At ang iba pang mga kasapi ng alyansa sa intelihensiya ng “Limang Mata” (“Five Eyes”)—ang Canada, New Zealand, at U.K.—ay bumibigay sa presyon ng U.S. na magsagawa ng katumbas na hakbang upang ihiwalay ang Tsina.
Gayunpaman ang doktrinang pampatakaran ng mga Kanluranin na “dakilang kumpetisyon ng kapangyarihan” laban sa Tsina ay hindi sinabayan ng isang masigasig na pagtatalong pampubliko. Sa halip, ang matapang na retorika ng estado ay sinabayan ng pinakamasahol na pananaw ng publiko tungo sa Tsina. Dahil sa mga rasistang ulat ng pang-korporasyong media na kung saan ay sinisisi nito ang Tsina sa pagkalat ng COVID-19, patindi nang patindi ang hindi kanais-nais na pananaw sa Tsina.
Inulat ng Pew Research noong Hulyo na ang hindi kanais-nais na pananaw sa Tsina ay umabot sa isang “bagong kataasan” sa U.S.—higit doble mula sa 35 hanggang 73 porsyento sa pagitan ng 2005 at 2020. Ang pagtitiwala ng Australia sa kanilang mga kapitbahay sa hilaga ay mas masahol pa: noong 2020, 77 porsyento ng mga Australyano ang nagpahayag ng kawalan ng pagtitiwala sa Tsina, hambing sa 38 porsyento lamang noong 2006.
Habang ang U.S. at iba pang mga bansa sa Kanluran ay nalublob sa mga krisis dulot ng COVID-19, ng kawalan ng trabaho, ng paggipit ng sahod, at ng sistemikang rasismo, ang gawa-gawang “bantang Tsina” ay hind dapat pinagaalalahan. Kung tutuusin, paulit-ulit na nilinaw ng Tsina na nais nito ng mapayapang ugnayan at koopersayon sa U.S., at ang patakarang panlabas ng Tsina na “komunidad ng magkabahaging hinaharap para sa sangkatauhan” ay nakadambana sa saligan ng Partidong Kominista. Huwag magkamali—ang Bagong Cold War laban sa Tsina ay nagmumula sa isang panig na nagpapalala sa hidwaan na pinangungunuhan ng U.S. at ng mga kaalyado nito.
Dahil ang opinyong pampubliko ng Kanluran tungo sa Tsina ay sumusunod sa panawagan ng Kagawaran ng Estado para sa agresyong Cold War, makikita dito ang pagtatagpo ng estado, ng militar, at ng mga interes ng pang-korporasyong media na pinag-monopolyo ang lahat ng mga sistemang pang-media. Sa likod ng magmamatapang ng Kagawaran ng Estado at ng “Pagbaling sa Asya” (“Pivot to Asia”) ng militar ay isang tahimik at mahusay na makinang abala sa paglikha ng kapahintulutan (manufacturing consent) para sa giyera laban sa Tsina. Kadalasan, ang mga patakarang mandirigma na nanggagaling dito ay itinuturing na ganap na “katotohonan” sa halip na isang propagandang pandigmaan na tumataguyod sa interes ng mga korporasyon ng sandata at ng mga naghaharing uri sa pulitika.
Dahil ang opinyong publiko ng Kanluran tungo sa Tsina ay sumusunod sa panawagan ng Kagawaran ng Estado para sa agresyong Cold War, makikita dito ang pagtatagpo ng estado, ng militar, at ng mga interes ng lathalang pangkorporasyon na pinag-monopolyo ang lahat ng ating mga sistemang pang-media.
Tinatawag namin ito na Sinophobia, Inc.—isang komplex ng impormasyong pang-industriya na kung saan ang pagpopondo ng mga estadong Kanluranin, ang mga bilyones ng tagagawa ng sandata, at ang mga nasa Kanan na think tank ay nagtatagpo at sama-samang binabaha ang media ng mga mensahe na ang Tsina ay ang pangunahing kalaban ng publiko. Armado ng pondong galing sa estado at ng suporta ng industriyang pansandata, ang makapangyarihang mga think tank na ito ay ang nagtatakda ng mga tuntunin ng Bagong Cold War laban sa Tsina. Ang mismong sistema ng media na ito na nagpadali sa walang hangganang digmaan at mapaminsalang interbensyon sa Gitnang Silangan ay abala ngayon sa paglikha ng kapahintulutan para sa hidwaan laban sa Tsina.
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga balita at mga mensaheng kontra sa Tsina, kinukumbinse ng makinang pang-media ang mga pangkaraniwang tao na ang Bagong Cold War ay para sa kanilang kapakanan. Sa katotohanan, ang mga nakikinabang lamang sa pagpapalaganap ng mga balita tungkol sa “Bantang Tsina” ay ang mga elitistang pulitiko at ng mga namumuno ng industriya ng pagtatanggol na kung sino ang kumikita sa mapaminsalang paglala ng igtingang pang-heopulitka.
Ang mga personalidad na bumubuo sa Sinophobia Inc.
Upang maisagawa ang isang pangmatagalang hamon sa Bagong Cold War laban sa Tsina, ang kilusan kontra sa digmaan ay kinakailangang bumuo ng isang mapanuring karunungang pang-media upang maunawaan ang makaimperiyalistang makinang pang-media. Kung susuriin ito nang masinsinan, malinaw na ang iilang mga think tank, mga komentarista, at mga “dalubhasa sa kaligtasan” ay palaging lumilitaw sa mga pag-uulat ng pang-korporasyong media. Bukod dito, ang mga dalubhasang “malaya” o “independyente” ay tahasang may kaugnayan sa industriya ng sandata at sa mga kagawarang pang-estado ng U.S. at ng mga kaalyado nito.
Ang Australian Strategic Policy (ASPI) ay bahagi nito. Ito ay tinaguriang “think tank na nasa likod ng nagbabagong pananaw ng Australya tungo sa Tsina” at kinundena rin ng mga progresibong pulitikong Australyano bilang “mga lawin (hawks) na naglalayong makipagsagupaan sa isang bagong cold war.” Nguni’t sa kabila ng konserbatibong pagkahilig nito, pinalalaganap ng ASPI ang pananaw nito sa lahat ng espektrong pampulitiko ng Kanluraning media—mula sa Breitbart at Fox News hanggang sa CNN at sa New York Times. Ang malawakang pag-lehitimo ng mga think tank tulad ng ASPI ay isang kadahilanan sa pagtaguyod ng magkabilang panig para sa agresyong imperyalista laban sa Tsina.
Gaano man kapambihira ang mga paratang na ito, ang ASPI ay malugod na tinatanggap ng sistemang pang-media na gutom sa kontrobersya at sa kalagayang pang-heopolitiko na palapit nang palapit sa hidwaang militar laban sa Tsina.
Mula sa tanggulang pambansa at kaligtasang pang-teknolohiya (cybersecurity) hanggang sa mga paratang sa karapatang tao, sinasamantala ng mga lawin ng ASPI ang iba’t ibang mga paksa upang itaguyod ang pananawagan nito para sa pagpapalawak ng militar laban sa Tsina. Ang ASPI at ang mga tauhan nito ay nanawagan para sa paghihigpit ng mga bisa sa mga mag-aaral at siyentipikong Tsino, nagparatang na may diumanong isang lihim na programang sandatang biolohiko ang Tsina, at nagpahayag na pinagsasamantalahan ng Tsina ang Antarctica upang makalamang ang militar nito. Gaano man kapambihira ang mga paratang na ito, ang ASPI ay malugod na tinatanggap ng sistemang pang-media na gutom sa kontrobersya at sa isang kalagayang heopolitiko na palapit nang palapit sa hidwaang militar laban sa Tsina.
Kung tutuusin, iyon mismo ang nais ng ASPI. Masigasig na inilarawan ng direktor ng ASPI na si Peter Jennings na siya ay isang “koboy ng pambansang kaligtasan”; sinabi din nito na “ang Australya ay higit na nangangailangan ng koboy kaysa sa mga yumuyuko o bumibigay.” Katulad ng pagudyok ng Punong Ministro ng Australya na si Scott Morrison para sa isang napakalaking paggastos sa depensa, si Jennings ay nanghikayat din ng mas malaki pang paggastos, at sinabi pa nito na “kung tayo ay patungo sa digmaan, kinakailangang dumaloy ang pera.”
Ang palabang pag-uugali na patungo sa harapang militar ay may kaugnayan sa mga gawaing pampinansyal ng ASPI. Sa kabila ng pagturing dito bilang “dalubhasang walang kinikilingan” sa mga paksang ukol sa Tsina, pagdating sa mga kita o tubo mula sa digmaan, kasangkot ang ASPI sa larong ito.
Iyon ay dahil ang ASPI—tulad ng marami sa mga pinakamalaking manlalaro ng Sinophobia, Inc.—ay tumatanggap ng napakalaking pagpopondo mula sa militar ng Australya at sa mga kontratista ng sandata ng Estados Unidos tulad ng Lockheed Martin at Raytheon.
Sa taong piskal ng 2019-2020, nakatanggap ang ASPI ng 69% ng pondo nito—higit sa AU$7 milyon — mula sa kagawaran ng pagtatanggol at ng pamahalaan ng Australya. Ang iba pang AU$1.89 milyon ay nanggaling sa mga ahensya ng gobyernong dayuhan—kasama na ang mga embahada ng Israel at Hapon, ang Kagawaran ng Tanggulan at Kagawaran ng Estado ng U.S., at ng NATO Strategic Communications Centre. Malayo sa pagiging isang walang pinapanigan na tagapagbalanse sa mga pakay imperyalista ng estado, ang mga pamahalaang ito na mismong tumutulak ng hidwaang heopolitiko laban sa Tsina sa katunayan ay ang mga pangunahing tagapagtaguyod ng ASPI.
Nakaaabala rin na ang iba pang AU$1.1 milyon ang nanggaling sa mga industriya ng tanggulan at sa pribadong sektor, kasama ang Lockheed Martin ($25,000 para sa isang “estratehikong pagtaguyod” o “strategic sponsorship”) at Northrop Grumman ($67,500 para sa isang “Tumataguyod sa ASPI” o “ASPI Sponsorship”).
Sa isang lantarang pagpapakita ng kanilang salungatang mga interes, ang mismong mga korporasyong pang-sandata na sumusuporta sa kontra-Tsinang panghihikayat ng ASPI ay siya ring tumutustos sa Bagong Cold War laban sa Tsina. Noong 2016, pinagkalooban ng kagawaran ng pagtatanggol ng Australya ang Lockheed Martin ng kontratang nangangahalagang AU$1.4 bilyon para sa isang “combat system integrator” na bahagi ng programang Future Submarines nito para “manindigan” sa Tsina. Sa ilalim ng programang ito, ang kontratista ng pagtatanggol ng Naval Group—na nag-ambag ng $16,666.68 bilang “ASPI Sponsorship” noong 2019-2020—ay pinagkalooban ng isang kontratang nangangahalagahan na $605 milyon para sa pag-disenyo ng isang submarino.
Sa isang lantarang pagpapakita ng kanilang salungatang mga interes, ang mismong mga korporasyong pan-sandata na sumusuporta sa kontra-Tsinang panghihikayat ng ASPI ay siya ring tumutustos sa Bagong Cold War laban sa Tsina.
Napakalaki ang sakop ng potensyal na tubo o kita mula sa paghihimok sa hidwaang militar laban sa Tsina. Sa ilalim ng pangangasiwa ng “Pagbaling sa Asya” (“Pivot to Asia”), dinagdagan ng U.S. ang pagluwas ng mga sandata sa mga kaalyado nito tulad ng Hapon at Australya bilang bahagi ng bagong doktrinang pagpigil at pagkontra sa Tsina. Mula sa pagluwas ng mga sandata na nangangahalagahang $7.8 bilyon sa Australya at $6.28 bilyon sa Timog Korea sa pagitan lamang ng 2014 at 2018, hanggang sa pagluwag ng mga alituntunin na nagpahintulot ng pagluwas ng pang-militar na mga drone sa India, ang mga napakakinabang na mga negosyong ito ay isang ganap na kapalaran para sa mga tagagawa ng mga sandata sa U.S.
Ang bawa’t madulang ulat tungkol sa “bantang Tsina” ay patungo sa magkatulad na kinalabasan: higit na nakararaming mga barkong pandigmaan sa Dagat Timog Tsina, higit na maraming mga eroplanong pagsisiyasat na ipapadala sa himpapawid ng Tsina, at higit pang mga istasyon ng misil at kontra-misil para sa mga “kaalyado” ng U.S. at sa mga estadong kliyente nito sa Asya-Pasipiko. Ang Bagong Cold War laban sa Tsina ay nangangahulugan ng bilyun-bilyong kita para sa mga tagagawa ng sandata ng Estados Unidos, kung sino ay palihim na pinopondohan ang “pananaliksik” na nagbibigay katuwiran sa pagpapalaganap ng militar laban sa Tsina.
Ang mga digmaang walang hangganan
Ang buktot na komplex pang-industriyang militar ang nagpapatakbo sa Sinophobia, Inc. Matapos nating masaksihan ang pagtatagpo ng pang-korporasyong media, ng paggawa ng mga sandata, at ng mga interes ng Kagawaran ng Estado na lumilikha ng kapahintulutan para sa mapaminsalang digmaan sa Iraq at Afghanistan, dapat nating makilala ang huwarang ito. Nguni’t sa ngayon, mukhang gumagana muli ang pamamaraang ito.
Panguna, ang mga “independiyenteng” dalubhasa sa kaligtasan tulad ng ASPI, na pinondohan ng mga pamahalaang Kanluranin at ng kanilang mga industriya ng sandata, ay naghahandog ng “hindi mapabubulaanang” katibayan para sa diumanong bantang Tsina.
Pangalawa, ang mga ulat na ito ay itinipon, binanggit, at pinalawak ng pang-korporasyong media at pagkatapos ay tinanggap ng pangkalahatang publiko.
Pangatlo, binabanggit ng mga bansang Kanluranin at ng kanilang mga kaalyado ang mga ulat na ito tungkol sa “bantang Tsina” upang bigyang katwiran ang kanilang sariling mga ambisyong pang-heopulitika at pang-militar na pananalakay laban sa Tsina.
At bilang wakas, ginantimpalaan ng mga kagawaran ng depensa ng nangangahalagang bilyones na mga kontrata ang mga korporasyong sandata upang itaguyod ang militaristikong “Pagbaling sa Asya”—kinukumpleto nito ang siklo sa pamamagitan ng pagpapayaman sa mismong mga korporasyon na pumopondo sa mga think tank na una nating binanggit.
Mangyari pa, ang ASPI ay isa lamang sa maraming mga makapangyarihan sa industriyang kontra-Tsina. Ang mga kasapi sa teritoryong pankaligtasan ng D.C. tulad ng Center for Strategic & International Studies (CSIS) at ng Council and Foreign Relations ay obligado rin sa kanilang mga tagapagtaguyod sa estado at sa pang-industriyang militar.
Tinagurian ang Center for Strategic & International Studies bilang isa sa mga pinaka-maimpluwensyang think tank sa buong mundo. Ang mga madulang ulat nito tungkol sa operasyong pang-militar ng Tsina at sa mga kampanyang “impluwensyang pambanyaga” nito ay lumilitaw sa Forbes, New York Times, at kahit na sa mga nasa-kaliwang mang-uulat tulad ng Politico. Ang direktor ng “China Power Project” ng CSIS na si Bonnie Glaser, ay isang tanyag na komentarista tungkol sa Tsina. Siniraan nito ang mga subsidyong Tsino sa industriyang domestiko, tinawag niya ang Belt and Road Initiative na isang plano upang dalhin ang mga iba’t ibang bansa sa “orbita ng Tsina” at “paniguruhin ang paglakas ng awtoritaryanismo,” hiniling na “manindigan” laban sa pagpapahalaga sa Marxismo ng Tsina bilang isang kahalili sa malayang pamilihang neoliberalismo, at ipinahayag na “marami sa mga bagay na ginawa ng administrasyong Trump upang bigyang-diin ang bantang Tsina...ay makatuwiran.”
Ni isa sa mga inilathalang komentarya ng mga korporasyong pang-media, sa mga panayam, at sa mga pahayag sa limbagan ay nag-aabalang bumanggit na binibilang ng CSIS sa kanilang “tagapagtaguyod na mga korporasyon at samahang pangkalakalan” ang Northrop Grumman ($500,000 taunang kontribusyon), Boeing, General Atomics, at Lockheed Martin ($ 00,000-$499,999 taunang kontribusyon), at Raytheon ($100,000-$199,999 taunang kontribusyon).
Ang mga inilathalang komentarya, panayam, at pahayag sa limbagan ng mga “mga walang kinikilingang dalubhasa” tulad ng Center for Strategic and International Studies ay hindi nag-aabalang bumanggit na binibilang ng CSIS sa mga nagpopondo dito ang mga tagagawa ng sandata tulad ng Northrop Grumman, Boeing, General Atomics, Lockheed Martin, at Raytheon.
Masahol pa sa simpleng pagtanggap ng pagpopondo sa industriyang militar, lihim na nagpulong ang CSIS kasama ng mga maglolobi (lobbyists) ng industriya ng sandata at lumobi para sa karagdagang pag-luwas ng mga drone mula sa mga produktong pandigmaan ng mga nagpopondo tulad ng General Atomic at Lockheed Martin.
Sa halip na ilantad ang mga salungat na interes na ito, lalo lamang kinikilala ng pang-korporasyong media ang mga think tank na ito bilang diumano’y “walang kinikilingan” na mga dalubhasa sa kaligtasan. Iilan lamang na malalayang plataporma ng balita ang nag-aabalang pumuna sa mga interes ng mga “pangatlong partido” na nagbibigay daan sa walang hanggang digmaan. Sa halip, ang mga kawani ng mga think tank na ito ay itinuturing na mga dalubhasang walang kinikilingan at pinagbubuhusan ng atensyon ng media, pinagkukunan ng mga komentaryo at ng mga tampok na editoryal sa lahat ng mga bagay tungkol Tsina.
Ayon sa pankaraniwang media, wala namang salungatan ng mga interes: nguni’t isa lamang nakabinbing hidwaan sa Tsina na nangangailangan ng suporta.
Ang paglabas-pasok sa pintuan ng mga partidong walang kinikilingan
Ang masalimuot na ugnayan ng Pentagon, ng mga think tank na pang-kaligtasan, at ng mga pribadong sektor ng sandata ay lumalagpas pa sa maruming salapi. Madalas magpabalik-balik ang mga nakatataas na diplomatiko sa pagitan ng kanilang mga posisyon sa kagawaran ng tanggulan at sa kanilang pangangasiwa ng mga korporasyon ng sandata at ng mga institusyong pampatakaran. Ginagamit nito ang kanilang tagaloob na pananaw upang matulungan ang mga korporasyon ng sandata na kumita ng katakot-takot mula sa pamahalaan.
Ang labas-pasok ng komplex pang-industryang militar na ito ay tumatawid sa mga linya ng partido. Ang isang halimbawa ay si Randall Schriver, isang lawin laban sa Tsina na pinili ni Steve Bannon upang maglingkod bilang Pandalawang Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Administrasyong Trump para sa mga Gawaing Pangkaligtasan sa Asya at Pasipiko. Si Schriver ang presidente ng Project 2049 Institute, isang konserbatibong think tank na pangkaligtasan na pinopondohan ng mga higante ng sandata tulad ng Lockheed Martin at General Atomics at ng mga nilalang sa gobyerno kasama na ang Ministro ng Tanggulang Pambansa ng Taiwan at ang National Endowment for Democracy. Hindi nakakagulat na sa ilalim ng pamumuno ni Schriver, nanawagan ang Project 2049 para sa karagdagang pagbebenta ng armas sa Hapon at sa Taiwan habang nagbababala ito tungkol sa diumanong banta sa Taiwan ng isang “biglaang pananakot” o ng isang “matinding digmaan” sa Hapon.
Hindi rin magpapatalo ang mga beterano ng patakarang panlabas ng Administrasyong Obama. Ang mga ito ay yumaman sa pagbubuo ng mga “estratehikong sanggunian” na pinapakinabangan ang kanilang katayuang tagaloob upang matulungan ang mga korporasyon ng sandata na mapagkalooban ng mga kontratang pederal. Si Michèle Flournoy, isang natatanging pili para sa kalihim ng tanggulan ng administrasyong Biden, ay nagsilbing pandalawang kalihim ng depensa para sa patakaran mula 2009 hanggang 2012 at may magkakapatong tungkulin bilang tagapagtatag ng WestExec Advisors, isang sangguniang pang-korporasyong heopolitiko, at kapwang tagapagtatag ng Center for a New American Security, isang think tank ng mga dalubhasaang nangangaral ukol sa “hamon ng Tsina” at ng “bantang Hilagang Korea” sa tulong ng pagpopondo ng mga kilalang tauhan ng pang-industriyang estado at militar.
Dahil sa karanasan nito, hindi nakakagulat na kinundena ni Flournoy ang “pagguho ng pakikialam ng Amerika” at nanawagan ito para sa bagong pamumuhunan at inobasyon na “magpapanatili ng pangingibabaw ng militar ng U.S.” sa Asya, isang katiyakan na ang administrasyong Biden ay mangunguhulugan ng bago at lumalawak na mga kontrata sa dating mga kaibigan nito sa industriyang pang-kaligtasan.
Ang pangunahing kaaway
Tiniyak ng komplex ng impormasyong pang-industriya at pang-militar (military-industrial-information complex) na hindi magkakaroon ng pagtatalong pampubliko tungkol sa Tsina. Ang paninindigang Kontra-Tsina ay naging natatanging isyu sa halalang pampanguluhan ngayong Nobyembre. Nguni’t wala namang makahulugang pagkakaiba sa patakaran sa pagitan ng mga pamamaraang itinaguyod ng mga kampong Biden at Trump—isang kompetisyon lamang sa retorika na lumilitaw sa patalastas at talumpati ng mga nangangampanya upang patunayan kung sino talaga ang magiging “mas mahigpit sa Tsina.”
Tinitiyak ng mga lumalabas-pasok sa pintuang Sinophobia Inc. na maging ang partidong Republican man o ang partidong Democrat ang mangingibabaw ngayong Nobyembre, patuloy na dadaloy ang mga kontrata ng sandata.
Tinitiyak ng mga lumalabas-pasok sa pintuang Sinophobia Inc. na maging ang partidong Republican man o ang partidong Democrat ang mangingibabaw ngayong Nobyembre, patuloy na dadaloy ang mga kontrata ng sandata.
Sa kabila ng walang humpay na pananakot sa “bantang pananalakay ng Tsina,” malinaw ang Tsina na tinatalikuran nito ang hidwaan laban sa U.S., lalo na ang mainit na digmaan. Sa pagpupulong noong Agosto kasama ng European Union, nanawagan si Wang Yi, ang ministro ng ugnayang panlabas ng Tsina, para sa isang panibagong kooperasyon, at ipinahayag din niya na ang Cold War ay isang hakbang paurong.”
Kung ang U.S. ay nagsisikap na palawakin ang unilateralismo, mga parusa, at mga banta ng interbensyong pang-militar upang marating ang sariling pakay, ang Tsina ay namumuhunan sa mga samahang pandaigdigan, kusang pinondohan ang World Health Organization matapos mag-bitiw ang U.S., at tumulong laban sa pandemya, sa paggawa ng bakuna, at sa mga bansang naghihirap sa ilalim ng parusa ng U.S. habang tinutugunan ng mga ito ang COVID-19.
Huwag magkamali: walang katunayan ang “mutwal na pagpapalala” o ang “tunggalian sa pagitan ng kapwa imperyalista” dito—ang agresibong paglaganap ng U.S. ng kanyang militar, ang mga propaganda at kaparusahang pang-ekonomiya ay nagmumula lamang sa panig nito upang itulak ang hidwaan at digmaan sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng Tsina para sa kapwa paggagalangan, kooperasyong win-win, at patuloy na pakikipag-ugnayan na nakasalig sa pagkilala sa pambansang soberanya at karangalan ng Tsina.
Ang mga elitistang pampulitika ng Estados Unidos ay bumaling sa Sinophobia bilang isang nilalang na kinatatakutan, upang walang makakapansin sa pagkabigo ng kapitalismo, ng neoliberalismo, at ng marahas na imperyong U.S. na higit na namumuhunan sa walang hangganang digmaan sa halip na harapin ang pangangalaga ng kalusugan at imprastraktura para sa mga mamamayang Amerikano. Ito ang dahilan kung bakit napakabisa ng Sinophobia Inc.: ang pagkawalan ng kasiyahan ng mga masa na pinasimulan ng isang hindi malutas-lutas na pandemya, paglala ng kawalan ng trabaho, at ang pagkabahala ng mga Amerikano sa sariling hinaharap ay maaaring ilipat sa “totoong” banta: ang Tsina.
Ang dahilan kung bakit napakabisa ng Sinophobia Inc. ay ang pagturing sa Tsina bilang isang nilalang na kinatatakutan. Ang kawalan ng kasiyahan ng mga masa, ang paglala ng kawalan ng trabaho, at ang pagkabahala ng mga Amerikano sa sariling hinaharap ay maaaring ilipat sa “totoong” banta: ang Tsina.
Masigasig na kinukumbinse ng Sinophobia Inc. ang mga karaniwang Amerikano na ang Tsina—at hindi ang puting kataas-taasang kapangyarihan, kapitalismo, at militarismo—ang “totoong kaaway.” At ito ay gumagana: 78% ng mga Amerikano ay sinisisi ang Tsina sa pagkalat ng COVID-19—higit sa pagsisi ng mga ito sa pamamahalang Trump ukol sa pangangasiwa nito sa pandemya. Ito ang dahilan kung bakit mabilisang itinakda ng Kongreso ang pinakamalaking badyet pang-tanggulan para sa 2021 habang tinalikuran nito ang pagbigay ng tulong laban sa pandemya, ang moratorium sa sapilitang pagpapaalis sa mga umuupa, o ang iba pang mga proteksyon para sa mga manggagawang Amerikano.
Habang tayo ay inilalapit ng Sinophobia Inc. tungo sa isang digmaan laban sa Tsina, nasa sa ating lahat ang pagpigil sa makinang pandigmaang ito. Nangangahulugan ito ng isang masusing pagsisiyasat sa mga impormasyon ng aparato na abala sa paglikha ng kapahintulutan para sa isang digmaang magpapayaman lamang sa imperyong Amerikano at sa mga korporasyong pinagsisilbihan nito.
Patuloy ang pagtakbo ng makinang pandigmaan na mga think tank, mga gobyerno, at mga korporasyon ng sandata. Kinukumbinse nito ang mga masa na ang hidwaan laban sa Tsina ay para sa kapakanang pambansa. Nguni’t ngayon ay napakalinaw na ang kumikita at nakikinabang dito ay ang mga pinuno ng Raytheon at Lockheed Martin—at ang pumapasan dito ay tayong lahat.